General Education Education (FILIPINO)
1. Ang Komunikasyon ay paglilipat ng
________________
a. Sining
b. Kasanayan
c. Kasangkapan
d. Impormasyon
2. Ang Komunikasyon ay isang prosesong
dinamiko, tuloy-tuloy at _______________
a. Nagpapalit
b. Naglilipat
c. Naghihikayat
d. Nagbabago
3. Ang kalagayan kung saan nagaganap ang
komunikasyon ay tinatawag na __________
a. Tsanel
b. Mensahe
c. Tagpuan
d. Konteksto
4. Ang kalagayang emosyonal at damdaming
nasasaloob ay mauuri sa kalagayang _____________
a. Sosyal
b. Sikolohical
c. Kultural
d. Historical
5. Ang tugon ng tagatanggap ng mensahe
sa komunikasyon ay tinatawag na __________
a. Fidbak
b. Tsanel
c. Midyum
d. Saloobin
6. Ang ingay ay matatawag na isang
________________
a. Inspirasyon
b. Midyum
c. Istimulus
d. Transaksyonal
7. Kasama sa komunikasyong di-berbal ang
_______________
a. Kilos ng katawan
b. Pagtatalo
c. Pagkukuwento
d. Deklamasyon
8. Ang Paggawa ng parol ay magiging
malinaw kung gagamitan ng _____________
a. Paglalarawan
b. Pagtatalo
c. Pagkukuwento
d. Deklamasyon
9. Ang pangungusap na “Ikaw ay puhunang
may salapi at ako’y bisig na dalitang palaging gumagawa ng tungkulin ay isang
halimbawa ng pangungusap na __________
a. Payak
b. Tambalan
c. Tangkapan
d. Hugnayan
10. Ang pangungusap na “ Ako ay bisig at
ikaw ay pilak “ ay nasa anyong ______________
a. Payak
b. Tambalan
c. Langkapan
d. Hugnayan
11. “Ako ay bisig ng dalita” ang
pangungusap ay nasa anyong ____________
a. Payak
b. Tambalan
c. Maylapi
d. Hugnayan
12. Ang salitang binubuo lamang ng payak
na kayarian ay tinatawag na __________
a. Basal
b. Tahas
c. Hango
d. Patalinhaga
13. Ang pumpon, langkay, batalyon at
grupo ay mga halimbawa ng salitang __________
a. Basal
b. Tahas
c. Hango
d. Patalinghaga
14. Ang ngunit, subalit at datapwat ay
tinatawag na __________
a. Ingklitik
b. Pang-ukol
c. Pandiwa
d. Pangatnig
15. Ang at o pati at saka ay mga
pangatnig na ______________
a. Pantuwang
b. Pananhi
c. Panubali
d. Paninsay
16. Ang halimbawa ng pangatnig na panubali
ay ___________
a. Kaya
b. Dahil sa
c. Kahit
d. Kapag
17. Ang at saw akas ay pang-abay na
____________
Panukod
Panlinaw
Panulad
Panapos
18. Ang isang halimbawa ng pangatnig na
panlinaw ay ___________
a. Man
b. Anupa’t
c. Kung ano
d. At saw akas
19. Ang mamiso at mamera ay mga halimbawa
ng pang uring ____________
a. Pahalaga
b. Pamahagi
c. Patakda
d. Palansak
20. Ang isang halimbawa ng pang-uring
patakda ay __________
a. Kalahati
b. Kamakalawa
c. Tig-anim
d. Lilima
21. Ang tamang salin sa Filipino ng sperm
cell ay ___________
a. Esperma
b. Isperma
c. Lakhay
d. Punlay
22. Ang apat-apat, pitu-pito ay mga
halimbawa ng pang-uring ___________
a. Palansak
b. Pamahagi
c. Pamanahon
d. Pahalaga
23. Ang “para kang pagong, ang bagal
maglakad” ay isang uri ng __________
a. Metapora o pawangis
b. Simili o patulad
c. Personipikasyon o pagtutulad
d. Hyperbole o eksaherasyon
24. Ang pagsulat ng maikling kuwento ay
isang magandang halimbawa ng __________
a. Personal na sulatin
b. Kolaboratibong sulatin
c. Malikhaing sulatin
d. Transaksyonal na sulatin
25. Ang kauna-unahang aklat na
naaipalimbag sa Pilipinas ay ang ____________
a. Doctrina Christiana
b. Urbana at Felisa
c. Nena at Neneng
d. Barlaan at Josaphat
26. Ang aklat na naglalarawan ng buhay at
pagpapakasakit ni Hesukristo ay __________
a. Karagatan
b. Duplo
c. Pasyon
d. Senakulo
27. Ang panunuluyan, salubong at tibay ay
ilan lamang sa mga dulang ___________
a. Pantahanan
b. Panlansangan
c. Pangsimbahan
d. Pantanghalan
28. Ang nagsasalaysay sa tula ay
tinatawag na __________
a. Tauhan
b. Kwentista
c. Mananalaysay
d. Persona
29. Ang Krakkk! Krakkk! Krakkk! Sa tula
ay tinatawag na __________________
a. Aliterasyon
b. Asonansya
c. Onomatopeya
d. Tayutay
30. Ang maikling kuwento ay nagtataglay
ng isang ___________
a. Kakintalan
b. Tugma
c. Sukat
d. Onomatopeya
31. Ang batobalani ng panulaang Tagalog
ay si ____________
a. Armando V. Hernandez
b. Lope K. Santos
c. Teodoro Gener
d. Fernando Monleon
32. Ang katipunan ng mga tula ni Inigo
Ed. Regalado ay nasa aklat niyang __________
a. Damdamin
b. Puso at Diwa
c. Isang Dipang Lngit
d. Sino Ka? Ako’y si….
33. Ang sagisag-panulat ni Virgilio
Almario ay ________
a. Rio Alma
b. Dimas-Ilaw
c. Piping Dilat
d. Huseng Batute
34. Ang tulang may bilang 5-7-5 na
saknong ay ay tinatawag na __________
a. Duplo
b. Tanaga
c. Haiku
d. Malaya
35. Nakilala si Alejandro G. Abadilla sa
kanyang tulang __________
a. Isang Dipang Langit
b. Ako ang Daigdig
c. Kung Tuyo na ang Luha Mo Aking Bayan
d. Peregrinasyon
36. Kapag inugnay ang kahulugan ng bagong
salita sa pamilyar na konsepto at karanasan gayundin ang mga salitang alam nan
g mga mag-aaral, ito’y tinatawag na __________
a. Integrasyon
b. Pakikisangkot
c. Interpretasyon
d. Holistic
37. Ang mga salitang nakalimbag sa ingles
na word _____
a. Analysis
b. Description
c. Knowledge
d. Recognition
38. Ang biswal na representasyon ng
ugnayan ng mga salita at konsepto ng isang paksa ay makikita sa paggamit ng
__________
a. Habing semantika
b. Etimolohiya
c. Salitang laro
d. Komprehensyon
39. Naipakikita ang konseptwal na ugnayan
ng mga salita sa pamamagitan ng _________
a. Team Assisted Instruction
b. Ven Diagram
c. Make A Plan
d. Think of Your Priorities
40. Ang pagpapalawak sa kapasidad ng
kaisipan na lumilikha ng mga ideya ay tinatawag na ________
a. Mapanuring pag-iisip
b. Malikhaing pag-iisip
c. Sensitibong pag-iisip
d. Lubusang pag-iisip
41. Ginagamit sa pagtalakay ng mga isyu
at naoorganisa ang mga argumento sa pamamagitan ng _______________
a. Discussion web
b. Pamaraang sitwasyunal
c. Pamaraan
d. Argumentasyon
42. Ang representasyong biswal ng mga
kaalaman na nagbabalangkas sa mga impormasyon sa pamamagitan ng pagsasaayos ng
mahahalagang aspeto ng mga konsepto o paksa sa isang hulwaran o paksa sa isang
hulwaran o disenyo ay tinatawag na ____________
a. Graphic Organizer
b. Brain Storming
c. Concept Map
d. Spider web
43. Ang isang kolaboratibong esttratehiya
na nagiging eksperto tungkol sa isang bahagi ng teksto ay tinatawag na
_________
a. Jigsaw
b. Round Table Discussion
c. Panel Discussion
d. Meet the press
44. Karaniwang ginagamit ang unang wika
ng mga mag-aaral sa pamaraang ___________
a. Grammar-Translation
b. Pananaw Cognitive Code
c. Kakayahang Komunikatibo
d. Semantika
45. Ang paraan upang makakuha ng
impormasyon na magagamit sa ebalwasyon ay ang ________
a. Pagsusulat
b. Pagsasalin
c. Pagbabalangkas
d. Portfolio
46. Mithiin ng 2002 kurikulum na ang
proseso ng pagtuturo at pag-aaral ay ____________
a. Integratibo
b. Interaktibo
c. Kolaboratibo
d. Komunikatibo
47. Ang pamaraang nagsisimula sa
paglalahad ng tuntunin patungo sa pagbibigay ng halimbawa bilang paglalapat ng tuntunin
ay ang pamaraang ___________
a. Pasaklaw
b. Pabuod
c. Pabalak
d. Knseptwal
48. Sa pamaraang pabuod, hindi kabilang
ang hakbang sa __________
a. Paghahanda
b. Paglalahad
c. Paglalahat
d. Pagpapaliwanag ng tuntunin
49. Ang isang kagamitang nagpapakita ng
isang sistematikong pamamaraan ng pagtatakda ng lawak ng paksang sasaklawin ay
ang ___________
a. Talahanayan ng Ispesipikasyon
b. Pagtataya
c. Pagsusulit
d. Pagsasalin
50. Ang wika ay balangkas ng masistemang
__________
a. Letra
b. Tunog
c. Simbolo
d. Salita
51. Ang unang paraan ng pagsulat ay
tinatawag na _____________
a. Alibata
b. Abakada
c. Alfabeto
d. Ortograpya
52. Ang salitang altanghap ay maihahanay
bilang ____________
a. Likha
b. Kolokyal
c. Balbal
d. Salin
53. Ang apat na makrong kasanayan sa
Filipino ay ang pakikinig, pagsasalita, pagbasa at _________
a. Pangangatwiran
b. Pagtatalo
c. Pagsasalaysay
d. Pagsulat
54. Ang wikang Pilipino ay ibinatay sa
___________
a. Tagalog
b. Cebuano
c. Kastila
d. Ingles
55. Ang wikang Pilipino ay ibinatay sa
iba’t ibang ______________
a. Salita
b. Wikain
c. Tunog
d. Sintaks
56. Ang
/p/, /b/ at /m/ ay __________
a. Palabi
b. Pangngipin
c. Pangngalangala
d. Pang-glotal
57. Ang bana ay salitang
____________
a. Tagalog
b. Bikol
c. Hiligaynon
d. Cebuano
58. Ang ispeling o palabaybayan ay lalong
kilala sa tawag na _____________
a. Gramatika
b. Ortograpya
c. Cognates
d. Sintaks
59. Kung ang unang wikang natutuhan ay Tagalog
at Ilokano ang pangalawang wika, ang Ingles ay tinatawag na __________wika
a. Unang
b. Pangalawang
c. Pangatlong
d. Katulong na
60. Sa alin mang uri ng
pakikipagtalastasan ay nangangailangan
ng mabuti at mabisang _______
a. Pagpapahayag
b. Pangungumustahan
c. Pangungusap
d. Pakikipag-kapwa
61. Para makabuo ng isang mabisang
pangungusap ay kakailanganin ang __________
a. Kaisahan
b. Kakipilan
c. Pagbibigay-diin
d. Lahat ng sagot
62. Ang pangungusap na “ Pinatay ko ang
puno” ay isang uri ng pangungusap na _________
a. Naglalarawan
b. Matalinhaga
c. May masidhing damdamin
d. May dalawang kahulugan
63. Ang komunikasyon ay prosesong
__________
a.
Transaksyunal
b.
Imahinatibo
c.
Panliteratura
d.
Korespondensya
64. Ang taong maraming alam na wika ay
tinatawag na ________
a. Linggwista
b. Polyglot
c. Informant
d. Tagasaling-wika
65. Sa pangungusap na “Ang mga guro ay
maituturing na mga bayani” ang simuno o paksa ay ____________
a. Ang mga
b. Ang mga guro
c. Ay maituturing na mga bayani
d. Mga bayani
66. Ang namin ay pang uring __________
a. Paari
b. Paukol
c. Pamatlig
d. Palagyo
67. Sumali ako sa timpalak sa pag awit
ngunit hindi ako nagwagi dahil nagkamali ako. Ang pandiwang sumali ay nasa
aspetong _______________
a. Perpektibo
b. Imperpektibo
c. Kontemplatibo
d. Imperpektibo
68. Sa pangungusap na “ Ikinahihiya ko
ang pagkakadulas ko kanina ,” ang pokus ay nasa _______________
a. Tagaganap
b. Tagatanggap
c. Layon
d. Sanhi
69. Sa pagbabaybay, hinihiram nang walang
pagbabago ang mga simbolong ___________
a. Panteknikal
b. Pampanitikan
c. Pang-agham
d. Pampalakasan
70. Sa Konstitusyon 1935, ang wikang
pambansa ng Pilipinas ay ibinatay sa _____________
a. Ingles
b. Cebuano
c. Kastila
d. Tagalog
71. Ang taong maraming alam na wika ay
tinatawag na __________
a. Linggwista
b. Polyglot
c. Informant
d. Purista
72. Ang morpolohiya ay makaagham na
pag-aaral na _________
a. Tunog
b. Yunit ng salita
c. Pagbaybay
d. Pangungusap
73. Sa pangungusap na “ Ikaw rin ang
maaawa kapag iniwan ka ng kuya.” Ang diptonggo ay ___________
a. Ikaw
b. Maaawa
c. Iniwan
d. Ngayon
74. Sa pangungusap na “ Si Big Boss ang
gumawa ng transaksyon kaya narito tayo ngayon.” Ang klaster ay ________________
a. Gumawa
b. Transaksyon
c. Narito
d. Ngayon
75. Ang mga salitang ukay-ukay, wagwagan
at tapsilog ay _______
a. Likha
b. Salin
c. Hiram
d. Kolokyal
Dungawin mo hirang
Ang nananambitan
Kahit sulyap mo man lamang
Iyong idampulay
76. Ang awit sa itaas ay isang halimbawa
ng awit n __________
a. Pag-ibig
b. Pakikidigma
c. Pagpapatulog ng sanggol
d. Tagumpay
77. Ang Ati Cu Pung Singsing ay isang
halimbawa ng _____________
a. Laro
b. bugtong
c. Awiting-bayan
d. Sawikain
78. Ang Ibalon ay mahabang epiko ng Bicol
na isinalin sa Kastila ni _____
a. P. Jose Castano
b. E. Arsenio Manuel
c. Dr. Otley Beyer
d. Pedro Bukaneg
79. Ang urbana at Felesa ay sinulat ni
__________
a. P. Modesto de Castro
b. P. Mariano Pilapil
c. P. Gaspar Aquino de Belen
d. P. Antonio de Borja
80. Ang isang paligsahan sa tula na
ginanap sa bakuran ng namatayan ay tinatawag na ________
a. Duplo
b. Balagtasan
c. Karagatan
d. Karilyo
81. Ang Akademya ng Wikang Tagalog ay
naganap noong Panahon ng _________
a. Kastila
b. Hapon
c. Amerikano
d. Aktibismo/Bagng Lipunan
82. Ang “Lola Basyang” ng Panitikang
Tagalog ay si ______________
a. Jose Corazon de Jesus
b. Valeriano Hernandez Pena
c. Inigo Ed Regalado
d. Severino Reyes
83. Ang La India Elegante Y El Negrito
Amante ni Balagtas ay isang uri ng _______
a. Sanete
b. Kurido
c. Duplo
d. Awit
84. Ang makata ng mangagawa ay si
__________
a. Jose Corazon de Jesus
b. Amado V. Hernandez
c. Julian Cruz Bamaceda
d. Lope K. Santos
85. Ang Gintong Panahon ng panitikan ay
ang Panahon ng _______________
a. Bago dumating ang mga kastila
b. Hapon
c. Batas Militar
d. Kasalukuyan
86. Ang ‘ Si Matsing at ang Unggoy” ay
isang halimbawa ng ____________
a. Maikling kwentong pambata
b. Maikling kwento
c. Sanaysay
d. Tula
87. “ Krakkk! Krakkk! Krakkk! Ay isang
halimbawa ng _____________
a. Asonansya
b. Aliterasyon
c. Alusyon
d. Onomatopeya
88. Ang sagisag ni Amado V. Hernandez ay
______________
a. Odalager
b. Julio Abril
c. Kuntil-butil
d. Dimas- Ilaw
89. Ang Tulang “ Panata sa Kalayaan” ay
isa sa mga tula sa librong ____________
a. Puso’t Diwa
b. Parnasong Tagalog
c. Damdamin
d. Isang Dipang Langit
90. Ang Bataan ay isang ________
a. Tula
b. Nobela
c. Maikling kuwento
d. Dula
91. Ang kaunaunahang akdang nagwagi ng
unang gantimpala sa Carlos Palanca Memorial Awards for Literature ay si
________________
a. Tata Selo
b. Sa Bagong Paraiso
c. Kuwento ni Mabuti
d. Mga Aso sa Lagarian
92. Ang HINDI kabilang sa
labindalawang akdang nanaluktok sa buong
daigdig ay ang __________________
a. Macbeth
b. Song of Roland
c. Canterburry Tales
d. The Book of the Dead
93. Ang salin sa Filipino ng dulang “
Portrait of a Filipino Artist “ ay ______________
a. Larawan
b. Larawang buhay
c. Larawan ng Artista
d. Artistang Buhay
94. Ang tinawag na reyna ng Bodabil” ay
si _______________
a. Rustica Carpio
b. Zenaida Amador
c. Atang dela Rama
d. Katy dela Cruz
95. Ang “L Enfant Terrible of Philippine
Theatre” ay si __________
a. Hermogenes Ilagan
b. Rolando Tinio
c. Severino Montano
d. Naty Crame- Rogers
96. Ang maikling kuwentong nagwagi ng
unang gantimpala noong panahon ng Hapon ay ang _____________
a. Lupang Tinubuan
b. Uhaw ang Tigang na Lupa
c. Lungsod Nayon at Dagat-dagatan
d. Kuwento ni Mabuti
97. An kaunaunahang Pambansang Alagad ng
Sining sa Panitikan ay si _____________
a. Gerry de Leon
b. Bienvenido Lumbera
c. Virgilio Almario
d. Amado V. Hernandez
98. Ang manunulat na nabilanggo dahil sa
kanyang makabayang dulang “Ang Tanikalang Ginto” ay si _____________
a. Amado V. Hernandez
b. Aurelio Tolentino
c. Juan Abad
d. Julian Cruz Balmaceda
99. Ang “ Napabayaan ang pagsasaka dahil
sa sapilitang paggawa “ ay matutunghayan ________
a. Hinggil sa Katamaran ng mga Pilipino
b. Noli Me Tangere
c. El Filibusterismo
d. Ang Kapulungan ng mga Bathala
100. Ang nagtatag ng Iglesia Filipina Independencia
ay si _________________
a. Fernando Canon
b. Isabelo delos Reyes
c. Epifanio delos Santos
d. Pedro Paterno
101. Ang “Ama ng Pahayagan” ay si
______________
a. Graciano Lopez Jaena
b. Pedro Paterno
c. Pascual Poblete
d. Jose Maria Panganiban
102. Ang “ Katabay” ay sagisag-panulat ni
______________
a. Apolinario Mabini
b. Julian Felipe
c. Jose Maria Panganiban
d. Jose Palma
103. Ang “Miss Phatuphats” ay maikling
kuwentong ________
a. Ilokano
b. Kapangpangan
c. Tagalog
d. Cebuano
104. Kung may Balagtasan sa Tagalog at
Crisotan sa Kapangpangan sa Ilokano ay may ________________
a. Yawyawenan
b. Lam-Angan
c. Bukanegan
d. Benguetan
105. Ang Liwayway noong panahon ng Hapon
ay nasa pangangasiwa ng _____________
a. Manila Simbun-sya
b. Japanese Imperial Army
c. Japanese Committee
d. Philippine- Japan Treaty
106. Ang awit sa pagkaulila ay tinatawag
na _______________
a. umbay
b. kutangkutang
c. Dung-aw
d. Oyayi
107. Ang awit ng mga naglalasing ay ang
____________
a. Kutang-kutang
b. Rawit-dawit
c. Soneto
d. Harana
108. Ang pamilyar na sanaysay ay
nagmimithing _______________
a. Mangganyak
b. Manudyo
c. Magpatawa
d. Lahat ng sagot
109. Ang diyaryong El Nuevo Dia ay
pinamatnugutan ni ______________
a. Sergio Osmenia
b. Lope K. Santos
c. Jose Corazon de Jesus
d. Pedro Paterno
110. Ang nagsalita sa Filipino ng Barlaan
at Josaphat ay si ___________
a. Pari Antonio de Borja
b. Pari Mariano Pilapil
c. Graciano Lopez Jaena
d. Pedro Paterno
Comments
Post a Comment